1 million Sinovac at 2.2 million Pfizer vaccines, darating sa June 10 – Galvez

87

Inaasahang darating sa Huwebes, June 10 ang karagdagang isang milyong doses ng Sinovac at 2.2 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Una nang dumating kahapon sa bansa ang isang milyong doses ng Sinovac.


Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., committed ang pamahalaan na magkaroon ng steady supply.

Bukod sa Sinovac at Pfizer vaccines, may darating ding higit dalawang milyong doses ng AstraZeneca vaccines sa susunod na dalawang linggo mula sa COVAX facility.

Facebook Comments