Dalawa, arestado sa iligal na pagsusugal sa Maynila

34

Kalaboso ang dalawang lalaki matapos maaktuhan sa iligal na pagsusugal sa San Andres Bukid, sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Ian Gonzales at Danilo Martin III, kapwa residente ng San Andres Bukid at pawang mga walang trabaho.


Nabatid na nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga pulis nang makita nila ang dalawa na nagsusugal ng kara-krus sa labas ng isang nahay sa Onyx Street.

Agad na ianresto ang dalawa dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o Illegal Gambling kung saam hindi na umubra ang palusot ng dalawa na nagpapalipas lamang sila ng oras.

Nakuha sa dalawa ang tatlong barya na ginagamit sa sugal at perang pamusta na aabot sa P190

Muling babala ng Manila Police Distrcit (MPD) sa ibang residente na mahigpit na ipinagbabawal ang anumang iligal na sugal sa lungsod lalo na ngayong mayroong pandemya.



Facebook Comments