1 Milyong Piso na Grand Raffle Draw Prize ng Universal Leaf Philippines, Nakuha ng Tobacco Farmer sa Tuao, Cagayan!

Reina Mercedes, Isabela- Tumataginting na isang milyong piso ang nakuha ng isang magsasaka ng tabako mula sa Tuao, Cagayan sa ginanap na Grand Raffle Draw ng Universal Leaf Philippines Incorporated (ULPI) kaninang umaga sa Pequenio, Reina Mercedes, Isabela.

Sa impormasyong kinalap ng RMN Cauayan, mayroon ding nanalong limang magsasaka ng tabako mula dito sa lalawigan ng Isabela ng tig-dalawang daang libong piso na ipinasok ang kanilang produkto sa naturang kumpanya.

Ikinatuwa naman ito ng mga magsasaka ng tabako dahil narin sa pakinabang na nakukuha nila bilang tobacco farmers kabilang na rin ang kanilang pakinabang mula sa Excise Tax ng Tabako mula sa pamahalaan.


Kanila ring iginiit na mas malaki umano ang kanilang kita sa tabako kumpara sa pagtatanim ng palay at mais.

Ang naturang Grand Raffle Draw ay pinangunahan nina ginoong Joel Binwang, ang Operation head ng Region 2 at ang Land Recruitment Head na si ginoong Rodolfo Gammad.

Facebook Comments