1 miyembro ng MPD, nagpositibo sa COVID-19

119

Kinumpirma ng Manila Police District (MPD) na isang pulis nila ang nagpositibo sa COVID-19

Ang naturang pulis ay nakatalaga sa Malate Police Station (PS) 9


Sya ay unang naging PUI noong March 17 matapos magpa check-up sa St. Luke’s Medical Center.

Pero nitong March 23 ay lumabas ang resulta ng test mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na positibo ang nasabing pulis.

Nagsasagawa na ng contact tracing ang mga otoridad sa kanyang mga nakasalamuha partikular ang kanyanga mga tauhan at pinapayuhan ang mga ito na mag-home quarantine hanggang March 28.

Facebook Comments