PNP, gagawin na rin sa facebook live ang daily briefings kaugnay sa ipinatutupad na ECQ

43

Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office na gagawin sa Facebook live ang Daily News Briefings sa Camp Crame.

Katulad ito ng ginagawang online press briefings ng iba’t ibang concerned government agencies sa gitna ng ipinaiiral na social distancing dahil sa banta ng COVID- 19.


Ang Daily briefing ay pangungunahan ni PNP Spokesperson PBgen Bernard Banac, kasama si PNP Community Affairs and Development Group Director PBgen Joselito Daniel.

Sa pamamagitan nito  makakapagbibigay ng Daily updates ang PNP kaugnay ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Mapapanood ito simula ngayong araw na ito tuwing alas-3 ng hapon mula Lunes Hanggang Biyernes sa Facebook page ng PNP, kung saan maari ding magkomento o magtanong ang publiko.

Facebook Comments