1 obispo, nanawagan sa publiko hinggil sa gumagamit ng kaniyang pangalan para manghingi ng donasyon

Nagbabala si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa publiko hinggil sa mga gumagamit ng kanyang pangalan para makapang-loko ng ibang tao.

Sa inilabas na abiso ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), pinayuhan ni Bishop David ang publiko na ang anumang pribadong mensahe sa Facebook o sa Messenger na nanghihingi ng tulong o donasyon na mula raw sa kanya, ay walang katotohanan.

Partikular na binanggit ni Bishop David ang paghingi ng ayuda o donasyon para sa pagpa-pagawa ng tabernacle sa Cebu kung saan malaking halaga umano ang kinakailangan.


Ayon kay Bishop David, ang ginagamit na account ay peke kahit pa mayroon itong litrato niya.

Wala rin siya sa Cebu, at hindi kailanman nango-ngolekta ng pondo para bumili ng anumang bagay.

Kung makakatanggap ng mensahe mula sa pekeng account, maiging balewalain ito o kaya ay agad na i-report sa kinauukulan.

Facebook Comments