Isang tauhan ng Department of Education ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ito ang mismong kinumpirma ng DepEd ngayong araw matapos na lumabas ang resulta ng pagsusuri sa pasyente nitong Miyerkules.
Nabatid na ang pasyente ay bago tamaan ng COVID-19 ay mayroong Pneumonia at nanggaling sa school division ng Mandaluyong at education supervisor sa subject na Filipino.
Napag-alaman na ang naturang opisyal ng DepEd ay mayroong travel history sa Tuguegarao matapos dumalo sa National Schools Press Conference noong March 9 at National Festival of Talent sa Ilagan pero nakabalik naman siya sa Metro Manila noong March 12.
Nagpapatuloy ang contact tracing sa mga nakasalumuha ng guro na ngayon ay naka-confine sa ospital at bumubuti na ang kalagayan.