Isang volcanic earthquake ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Sa 8 a.m. bulletin ng PHIVOLCS, patuloy ang pag-aalburuto ng bulkan mula nang itaas ito sa Alert Level 2 noong Biyernes.
Naobserbahan din ang bahagyang pamamaga ng bulkan habang nagbubuga ito ng katamtamang dami ng usok na hinahangin patungong kanluran timog-kanluran at sa timog-kanluran.
Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko na huwag pumasok sa 6-kilometer radius ng Permanent Danger Zone ng Bulkang Mayon.
Bawal din ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.
Facebook Comments