Isang Pinoy, patay matapos paghahampasin ng electric scooter

Patay ang isang 68-anyos na Pinoy matapos paghahampasin ng scooter sa pinagtatrabahuhan nitong tindahan ng alak sa Los Angeles, USA.

Kinilala ang biktima na si Steven Reyes na nagtatrabaho noon sa nasabing tindahan nang may dalawang menor de edad na nagtangkang nakawin ang isang case ng beer.

Pinigilan ni Reyes ang mga kabataan pero pinaghahampas siya ng mga ito ng electric scooter at agad na umalis papalayo sa lugar.


Naisugod pa sa ospital ang biktima pero kalaunan ay binawian din ng buhay.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang nasabing krimen.

Facebook Comments