1 pang doktor na pinuno ng Philippine Pediatric Society at kapatid ng TV host na si Ruby Rodriguez, pumanaw na dahil sa sakit na COVID-19

423

Isa na namang bayaning doktor ang pumanaw dahil sa sakit na COVID-19.


Ngayong umaga, binawian ng buhay ang pinuno ng Philippine Pediatric Society na si Dr. Sally Gatchalian, ang kapatid ng aktres at tv host na si Ruby Rodriguez.

Sa kaniyang post sa instagram ay kinumpirma ni Rodriguez ang pagpanaw ni Gatchalian.

Nanilbihan din noon si Gatchalian bilang Assistant Director ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM).

Si Gatchalian ay ang pang-siyam na doktor sa bansa na nakipaglaban sa COVID-19 habang tinutupad ang kanilang tungkulin.

Una nang pumanaw ang mga bayaning doktor na sina:

  • Israel Bactol, Cardiologist, Philippine Heart Center (died march 22)
  • Gregorio Macasaet III, Anesthesiologist, Manila Doctors Hospital (died march 22)
  • Raul Diaz Jara, Cardiologist And Internist, Former President of the Philippine Heart Association (died march 24)
  • Rose Pulido – Oncologist, San Juan De Dios Hospital (died march 23)
  • Marcelo Jaochico – Pampanga Provincial Health Officer (died march 24)
  • Henry Fernandez, 77-year-old – bayambang, pangasinan (died march 25)

Kasabay nito, ang radyo mindanao networks at DZXL-RMN Manila ay nakikiramay sa pamilya at mga naulila ng mga magigiting natin doktor.




Kaisa ang RMN station sa nagpapasalamat at nagbibigay pugay sa inyong kabayanihan.

Facebook Comments