Dating Kongresista sa Cagayan, nagkaroon ng biyahe sa Maynila bago nagpositibo sa COVID-19

203

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ng kampo ni dating Cong. Ramon Nolasco Sr. ng unang distrito ng Cagayan ang pagiging positibo nito sa COVID-19.


Ayon sa Media Liason Staff ng dating Kongresista na si Ginoong Jun Acosta, nagkaroon ng pagbiyahe sa kalakhang maynila ang nasabing kongresista gamit ang pribadong sasakyan nito noong March 14.

Pagkatapos nito, nakaramdam ng pag uubo at agad na komunsulta sa Cagayan Valley Medical Center para makuhanan ng specimen nitong march 18 at kahapon nga ng ianunsyo na nagpositibo ang resulta nito sa COVID-19.

Nananatili naman na nakahome quarantine ang dating kongresista matapos ang kumpirmasyon nito sa nasabing sakit.

Umakyat na sa tatlo ang kabuuang nagpositibo sa buong Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments