1 pang inmate, binawian na rin ng buhay matapos mag-amok ang isang bilanggo sa Bilibid

Kinumpirma  ni Justice Undersec Markk Perete na binawian na rin ng buhay kaninang madaling araw ang isa sa mga sugatang inmate sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City matapos na magwala ang isang naburyong na preso kahapon.

Bukod sa nagwalang inmate, namatay din kahapon ang isang bilanggo na pinagsasaksak nito sa loob ng maximum security compound ng NBP

Isa sa mga tinitingnan na dahilan ng BUCOR sa pagwawala ng preso ay ang labis na pagkainip sa paghihintay sa kanyang Good Conduct Time Allowance (GCTA).


Tumanggi muna ang BUCOR na isapubliko ang pangalan ng tatlong patay na bilanggo, maging ang iba pang mga sugatan dahil hindi pa ito naipararating sa kanilang mga kamag-anak.

Facebook Comments