PNP, inupakan ni Sen. Hontiveros sa kabiguang maaresto si Pastor Quiboloy

Naiinip na si Senadora Risa Hontiveros sa aniya’y mabagal na pag-aresto ng Philippine National Police (PNP) kay Kingdom of Jesus Christ (KOCJ) Leader Pastor Apollo Quiboloy.

Hindi rin nagustuhan ng senadora ang aniya’y maraming palusot ng pulisya sa mabagal na pagbawi sa mga armas ni Quiboloy.

Ayon kay Hontiveros, dapat ginagawa ng PNP ang lahat ng paraan para mahuli si Quiboloy at isang mahalagang paraan dito ay pagbawi ng kanyang mga armas.


Nakapagtataka aniyang mabagal ang Pambansang Pulisya sa kabila ng mabibigat na mga kaso ni Quiboloy, tulad ng human trafficking na non-bailable at may katapat na parusang habambuhay na pagkakakulong.

Facebook Comments