1 Pasyente na Positibo sa COVID-19, Nag-suicide

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala na rin ng tatlong (3) COVID-19 related death ang lalawigan ng Quirino ngayong araw, March 19,2021.

Sa inilabas na datos ng Provincial Government, isang 32 -anyos na babae mula sa Barangay Pinaripad Norte, Aglipay, Quirino matapos lumabas sa diagnosis ng doktor na sanhi ng pagkamatay ng pasyente ay Acute Respiratory Failure, Acute Respiratory Distress Syndrome may kaugnayan sa COVID-19.

Kabilang rin ang isang 39-anyos na lalaki mula rin sa Pinaripad Norte, Aglipay, Quirino na nagpakamatay umano matapos malamang nagpositibo sa COVID-19.


Habang isang 68-anyos na lalaki naman mula sa Poblacion Norte, Maddela, Quirino.

Ikinabahala naman ng PLGU Quirino ang biglang pagtaas ng kumpirmadong tinamaan ng virus na umabot na sa 114 ang aktibong kaso nito sa ngayon.

Facebook Comments