MPSPC-Bontoc Campus, Isinailalim sa Lockdown; Higit 30 Empleyado, Positibo sa COVID-19

23

Cauayan City, Isabela- Ipinag-utos ni Bontoc Acting Mayor Eusebio Kabluyen ang pagsasailalim sa lockdown ng Mountain Province State Polytechnic College (MPSPC)-Bontoc Campus simula March 17-24,2021 dahil sa biglang pagtaas ng mga bilang ng empleyadong nagpopositibo sa COVID-19.

Batay sa Memorandum Order No. 105 – 2021, sinabi ni Eusebio na mayroong 32 empleyado ng MPSPC-Bontoc Campus ang nagpositibo sa virus nitong March 16.


Ipinakita ng Epidemiology and Surveillance Unit ng Provincial Health Office at Municipal Health Office ang clustering at biglang pagtaas ng COVID-19 cases sa nasabing paaralan.

Sa nasabing bilang ng mga nagpositibo, natukoy ang dalawang pasyente na nagtataglay ng B.1.1.7 o COVID-19 UK variant na una nang kinumpirma ng Department of Health.

Facebook Comments