1 patay 1 sugatan sa operasyon ng Marines sa Palimbang

162

Patay sa operasyon ng Marine Battalion Landing Team-6 ang isang suspected extortionist pasado alas kwatro kaninang madaling araw sa Sitio Malalag, Brgy Mina, Palimbang, Sultan Kudarat.

Kinilala ang napaslang na si Tominis Sankilan Maulana a.k.a Nit na nakumpiskahan rin ng (2) M1 garand rifle, isang (1) homemade shotgun, ilang magazine, at mga bala. Sugatan rin sa insidente ang di umanoy myembro ng grupo ni Nitz na si Akmad Saharudin, 32yo.


Bitbit ng mga otoridad sa kanilang operasyon ang warrant of arrest, ngunit di pa man nakakapasok sa kuta ng suspek ay di umanoy agad na nanlaban ang mga ito resulta ng kamatayan ng primary target. (with report from Leo Varron)

Facebook Comments