1 Patay; 2 ‘Unconscious’ sa Banggaan ng Motorsiklo at SUV sa Isabela

46

Cauayan City, Isabela- Dead on arrival sa pagamutan ang tsuper ng motorsiklo matapos sumalpok sa kasalubong na pick-up dakong alas-5:20 ngayong hapon sa Brgy. District 2, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si James Agustin, 35-anyos habang unconscious naman ang mga angkas nito na sina Randy Mansibang, 39-anyos, may-asawa at John Mansibang, 31-anyos, binata na kapwa empleyado ng isang Agricultural Supply at mga residente ng Barangay District 1 sa naturang bayan.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Benito Soliven Police Station, binabagtas ng mga biktimang sakay ng motorsiklo ang pakurbadang daan ng biglang umagaw umano sa kabilang linya ng daan ang motorsiklo na dahilan ng pagsalpok nito sa kasalubong na pick-up na may plakang NED 1715 na minamaneho naman ni Jaime Suguitan, 81-anyos, may-asawa at residente ng San Carlos, Benito Soliven, Isabela.

Base sa paunang pagsusuri ng doktor, positibong nakainom ng nakalalasing na inumin ang mga sakay ng motorsiklo bago pa man mangyari ang insidente.

Maswerte namang hindi nagtamo ng sugat sa katawan ang drayber ng SUV at mga sakay nito habang inaalam pa rin ang halaga ng pinsala sa aksidente.

Sa ngayon, pansamantalang ikinostodiya sa istasyon ng pulisya ang drayber ng pick-up para sa kaukulang disposisyon.



Facebook Comments