Sharon Cuneta, pina-amaze ang mga kapwa celebrity at fans matapos ipakita ang slimmer figure

224

Pina-wow ng showbiz veteran na si Sharon Cuneta ang mga kapwa celebrity at mga fans nito matapos ipakita ang kaniyang slimmer figure.

Sa Instagram post ng aktres nitong Miyerkoles, ipinakita niya ang kaniyang fit body suot ang long-sleeved shirt at black pants.


May caption ito na “Just got home from work. Thank You, Lord for a wonderful taping day!” at may hashtag pa na no editing.

Dinumog naman ng komento ng ilang showbiz personality ang post tulad nina Alex Gonzaga, Mariel Rodriguez-Padilla, Ara Mina at Pops Fernandez na pawang pinupuri si Sharon.

Matatandaang huling nag-post si Sharon ng litrato ng kaniyang pagpayat noong Enero, 2020.

Facebook Comments