1 patay 3 arestado sa ikinasang drug operation sa Kabacan North Cotabato

Patay ang isang drug suspek habang arestado ang tatlo nitong kasamahan sa ikinasang drug operation sa magkakahiwalay na lugar sa bayan ng Kabacan sa lalawigan ng North Cotabato kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang namatay na si Badjunaid Usop Beldik, residente ng Kabacan . Ang tatlong mga naaresto ay kinila­lang sina Akmad Blah Sandigan, Abdul Mamasalabas Angkanan at si Zacaria Ali Beldik.
Sa panayam ng RMN Cotabato kay Police Supt. Bernard Tayong , tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office ((CPPO) pasado alas-3 ng madaling araw kahapon ng ikasa ang drug operation sa anim na mga kabahayan sa Purok Krislam, barangay Poblacion at sa isang bahay sa Sitio Lote, Brgy. Kayaga ng nasabi ring bayan na target ng search warrant.
Sinasabing pinaputukan si Beldik ng mga paparating na mga otoridad na gumanti ng putok hanggang sa siyay mapatay . Dito na nasamsam ang mahigit 30 piraso ng sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, baril na 38 revolver at dalawang bala .(with report from Jesy Ali))

Facebook Comments