1 Patay, 3 Sugatan sa Salpukan ng 2 Motorsiklo sa Nueva Vizcaya!

Cauayan City, Isabela- Isa ang kumpirmadong patay habang tatlo ang sugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa pambansang lansangan sa Barangay San luis, Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang nasawi na si Rowel Gangan, 24-anyos, account officer at residente ng La Torre North, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang nakasalpukan nitong motorsiklo ay minamaneho ni Eddie Lopez, residente ng Tucal, Solano, Nueva Vizcaya na patungong direksiyon sa bayan ng Villaverde, Nueva Vizcaya.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ay nagbanggaan ang dalawang motorsiklo matapos na lampasan ng biktima ang sinusundang sasakyan at habang nasa kabilang linya ito ay sumalpok ito sa kasalubong na motorsiklo.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang mga angkas ni Lopez na sina Fernando Sumiquiab, 17 anyos, mag-aaral, residente ng Poblacion, Villaverde, Nueva Vizcaya at Dee Jay Olog, 18 anyos na kapwa residente ng Tucal, Solano, Nueva Vizcaya.

Habang agad namang dinala sa ospital si Gangan subalit idineklarang dead on arrival dahil sa mga natamong pinsala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Facebook Comments