Magsasaka, Arestado sa kasong Bigong Pagpatay

*Cauayan City, Isabela*- Isinilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto ng isang magsasaka bandang alas dyes kaninang umaga sa Brgy. Nemmatan, San Agustin, Isabela.
Kinilala ang akusado na si Sonny Santos, 40 anyos, walang asawa na residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP San Agustin, dinakip ng mga kapulisan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest nito sa kasong Frustrated Homicide sa ilalim ng criminal case no. 24-3048 matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Second Judicial Region Br.24 Echague, Isabela na may petsang October 16, 2019.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng akusado kung makakapaglagak ito ng piyansang nagkakahalaga ng (72,000.00).


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang akusado bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments