1, patay; 4, sugatan nang madaganan ng ginigibang gusali sa Caloocan City

35

Patay ang isa habang apat ang sugatan nang gumuho ang biga o beam ng ginigibang gusali sa P. Sevilla St. Corner 7th Avenue Barangay 57, Caloocan City.

Ito ang kinumpirma ni Larry Castro, OIC ng Department of Public Safety and Traffic Management ng Caloocan. 5 construction worker ang nagtitibag ng mga poste pero nabagsakan sila ng mga biga o beam.


Dead on the spot ang isa habang 3 ang dinala sa ospital, isa naman ang nagtamo lang ng minor injuries.

Napag-alamang ang mga biktima ay kinuhang subcontractor ng may-ari ng lote para tibagin ang mga natitira pang poste.

Facebook Comments

From Advertisers