Angel Locsin, nilinaw ang “Kwentong Barbero” post na walang kinalaman sa Bea-Julia issue

171

Nilinaw ni Angel Locsin ang kaniyang Instagram story na “Kwentong Barbero” na pinaghinalaan ng mga netizen na kaugnay sa post ni Julia Barretto ukol sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Sa isang Instagram story nitong Huwebes, pinahayag ni Angel na kahit kailan hindi niya gagamitin ang isang bata sa mga ganitong isyu.


“The world doesn’t revolve around certain issues. I would never use a child something negative,” aniya.

Screenshot via Angel Locsin on Instagram

Bilang kaibigan ni Bea, inakala ng mga netizen ay patungkol ito sa pahayag ni Julia na personal issue ang dahilan ng breakup ng magkasintahan at walang third party na naganap.

Screenshot via Angel Locsin on Instagram

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang naturang IG story ni Angel.

Pahayag naman ng fan base ni ANgel, ginugupitan lamang nito ang kaniyang inaanak at isa itong “ninang duties.”

Hinala rin ng mga netizen na in-unfollow ni Angel si Julia sa Instagram kaugnay ng isyu.

Nagkasama sina Angel at Bea sa pelikulang “Four Sisters and a Wedding” noong 2013.

Facebook Comments
From Advertisers