1, patay at 1 nawawala mula sa gumuhong pader sa Tagaytay

164
Courtesy: PNP

Isa ang patay matapos maguhuan ng pader sa Tagaytay City.

Sa report mula sa Philippine National Police (PNP), pasado alas-8:35 kagabi nang mangyari ang insidente.

Sa inisyal na ulat, nagpapahinga lamang ang walong construction workers sa kanilang barracks nang gumuho ang concrete fence at cemented hollow blocks ng Hortaleza Farm dahil na rin sa ilang araw na walang tigil na pag-ulan.


Basa pa sa report, sa unang tatlo na nakita mula sa pagguho, isa rito ang nasawi.

Habang ang lima pang construction workers na natabunan ay patuloy pa ang isinasagawang rescue operation.

Pinangangambahan din na ang isa rito ay wala ng buhay ayon na rin kay Col. Norman Rañon ng Tagaytay PNP.



Kinilala ang mga biktima na sina Nino Villasquez, Ronilo Casaljay, Daniel Nesperos, Jomar Correche, William Ocong, Ramer Gamba, Jerimy Doña, at Marco Paulo Abarientos.

Facebook Comments