Pagdakip sa mastermind sa Jumalon slay case, sunod na target ng PNP

Hindi pa ikinokonsiderang case closed ng Philippine National Police (PNP) ang kaso ng pagpatay sa radio brodkaster na si Juan Jumalon.

Ito’y kasunod ng pagkakaaresto kahapon ng ikatlong suspek na si Julito Mangumpit na siya ring primary gunman sa pagpatay kay Jumalon.

Ayon kay Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, target ng imbestigasyon nila ngayon ang matukoy at maaresto ang mastermind o utak sa pagpatay sa mamamahayag.


Naniniwala kasi ang PNP na mayroong nag-utos at ginawang instrumento lamang ang tatlong suspek para patayin ang brodkaster.

Samantala, hindi pa rin matukoy ng PNP ang motibo sa pagpatay dahil ayaw pang magbigay ng pahayag ng suspek na si Mangumpit.

Facebook Comments