1 patay, Barangay Kapitan at 1st Kagawad sugatan sa pananambang sa Pikit

Pikit, Cotabato – Patay on the spot ang anak ng nanalong kapitan ng barangay Takepan, Pikit, Cotabato, habang sugatan ang nanalong kapitan at nanalong kagawad, matapos sila pagbabarilin ng di kilalang mga suspek sa national highway ng barangay Batulawan, Pikit, Cotabato. Alas 11:20 kaninang umaga.

Kinilala ni PCI Romy Du-ot Castañares hepe ng Pikit MPS ang napatay na driver na si Ranulfo Lisundra Bautista, Alias Bobong, may -asawa na residente ng barangay Takepan Pikit, Cotabato. Habang kinilala ang sugatan na bagong halal na kapitan na si Santos Bautista, 62 anyos, may -asawa , Elected Kapitan ng Takepan . Sugatan din ang kasama nitong #1 barangay kagawad na nakilalang si Roberto Midsapak ,51-anyos .

Ayon sa mga pahayag ng biktima, galing sila sa oath taking ng mga nanalong barangay at sk opisyal na ginanap sa Pikit Municipal Gymnasium. Subalit nang papauwi na sila , habang binabaybay ang national highway ng barangay batulawan, partikular sa harap ng Pauro Mangkap Hardware ay pinagbabaril sila ng dalawang mga suspek.


Namatay agad si Bobong ang anak ng kapitan na driver ng Kia Bongo kulay orange habang dinala naman sa bahay Pagamutan si Kapitan Bautista at kagawad Midsapak.

Dahil sa masilang sugat ni kapitan sa leeg at ulo ay inilipat sa mas malaking pagamutan kasama si kagawad Midsapak na tinamaan sa likod.

Agad naman nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad upang tugisin ang mga suspek.(JESSIE ALI)

Facebook Comments