1 patay, dalawa sugatan sa engkuwentro sa Marikina City

138

Isa ang patay habang isang pulis ang kritikal at sugatan ang kasama nito matapos ang nangyaring engkuwentro sa bahagi ng Riverbanks sa Marikina City.


Ayon kay Eastern Police District Spokesperson P/Maj. Virgilio Timajo, nangyari ang engkuwentro dakong alas onse kaninang umaga sa pagitan ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group – District Special Operating Unit at ng mga target na suspek.

Sinasabing nanlaban ang hindi pa kinikilalang suspek kung saan, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang isa sa mga pulis habang sa hita naman ang tinamong tama ng kasamahan nito.

Kasalukuyan nang nasa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang dalawang pulis para lapatan ng agarang atensyong medical.

Patuloy ang ginagawang pangangalap ng impormasyon ng EPD hinggil sa insidente.

Facebook Comments