1 Patay habang 1 rin ang Sugatan sa Banggaan ng Motorsiklo

250

*Cauayan City, Isabela- *Idineklarang Dead on Arrival ng Doktor ang isang lalaki matapos itong masangkot sa aksidente ng banggaan sa isang motorsiklo rin pasado alas dos y media kaninang madaling araw sa Brgy. Dammang East, Echague, Isabela.

Nakilala ang nasawing biktima na si Anthony Tagacay, 29 anyos, driver ng Suzuki Smash habnag nakilala naman ang nakabanggaan nito na si Sergio Azpa, 29 anyos na kapwa residente ng nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Echague, binabagtas ni Tagacay ang daan patungo sa Brgy. Dammang West partikular sa lubak na kalsada habang hindi nito napansin ang motorsiklo na nasa kabilang linya ng daan na nagresulta para magkabanggaan ang mga ito.

Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, sa tindi ng impact ng banggaan ang dalawang motorsiklo ay sumadsad ang ito sa daan dahilan para magtamo ang dalaang biktima ng grabeng sugat sa iba’t ibang katawan.

Sa ngayon ang isa pang biktima na si Azpa ay idinala sa Adventist Hospital sa Santiago City para sa kaukulang atensyong medikal.

Nananatili naman ang mga motorsiklo ng biktima sa Echague Police Station para sa kaukulang imbestigasyon.

-Photo Courtesy to the Owner-

Facebook Comments