Isa ang naitalang patay habang aabot sa 32 ang isinugod sa ospital dahil sa diarrhea sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental.
Ayon sa alkalde ng lungsod na si Mayor Jason Joyce, ang nasawi ay isang 68-taong gulang na lalaki na nagkakomplikasyon bago madala sa ospital.
Sa ngayon, inaalam na ng mga otoridad ang dahilan ng pagtatae kung saan isa sa mga tinitignang sanhi ay ang kakulangan ng malinis na tubig sa lugar.
Nananatili namang ligtas ang lugar laban sa COVID-19.
Facebook Comments