1 patay, habang 99 pa ang nawawala sa pagguho ng isang gusali sa Miami, Florida

1387

Isa ang patay habang 99 pa ang nawawala ngayon matapos gumuho ang isang gusali sa miami, florida sa estados unidos.

Ayon kay miami-dade fire rescue assistant chief ray jadallah, aabot sa 55 na apartment ang naapektuhan ng pag-guho ng gusali kung saan marami pa ang nasa loob nang maganap ang trahedya.


Kasunod nito, nasa 35 na katao naman ang nailikas nila mula sa gumuhong building.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang rescue operations sa mga na-trap sa gusali.

Facebook Comments