Venus Raj, mas lumalim daw ang pananampalataya nang mag-aral sa Oxford, England

Ibinahagi ni 2010 Miss Universe Philippines Venus Raj na naging daan ang pag-aaral niya sa Oxford, England para mas lumalim ang pananampalataya sa Diyos.

Say ni Venus, nang mag-aral siya sa Oxford Centre for Christian Apologetics (OCCA) ay dito nasubukan ang kaniyang pananampalataya pero nagkaroon din siya ng mas maraming kaibigan.

Sa kaniyang Instagram post din ay sinabi niyang graduate na sa wakas habang pinasalamatan din ni Venus ang celebrity doctor na si Hayden Kho na ginamit daw ni Lord upang dalhin siya dito.


Kasunod nito, ilang celebrities din ang nagpaabot ng pagbati sa kaniyang baogng milestone sa buhay kabilang na ang mga former beauty queens.

Facebook Comments