1 Patay sa banggaan ng Motorsiklo sa Ramon, Isabela!

*Ramon, Isabela*- Dead on Arrival ang isang magsasaka matapos itong aksidenteng bumangga sa kasalubong na motorsiklo sa pambansang lansangan ng Villa Carmen, Ramon, Isabela bandang 7:40 kagabi, July 6, 2019.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rodel Burbon, 51 anyos, may asawa at residente sa nasbaing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Ramon Police Station, nakainom ng nakalalasing na inumin ang biktima habang binabagtas nito ang pambansang lansangan ng aksidenteng sumalpok sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Reynaldo Aromin, 51 anyos na residente rin ng nasabing lugar.


Nagtamo ng sugat sa ulo ang angkas ni Aromin na agad namang isinugod sa pinakamalapit na pamagutan para sa paunang lunas habang ang driver ng isa pang motorsiklo na si Burbon ay idineklarang dead on arrival ng kanyang doktor.

Sa ngayon ay nahaharap si Aromin sa kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide and Damage to Property na nasa kustodiya na ng kapulisan.

Facebook Comments