Kinumrpirma ni Philippine National Police (PNP) General Hospital Chief Police Major Duds Santos na isang tauhan ng PNP Chaplain Service sa Camp Crame ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa ngayon anya ay improving na ang kondisyon ng PNP Chaplain Service personnel na ginagamot ngayon sa St. Luke’s Hospital sa Taguig matapos na maging kritikal nitong mga nakalipas na araw.
Sinabi pa ni Major Santos, walang travel history ang pulis na tauhan ng PNP Chaplain service pero nitong mga nakaraang araw ay binisita ito ng dalawang banyaga mula sa Europe.
Walong personnel naman ng PNP Chaplain Service na naging close contact nito ang sumailalim na sa 14 days quarantine at natapos na sa self-quarantine nitong March 22 at ngayon ay nanatiling Patients Under Monitoring (PUM) dahil asymptomatic ang mga ito.