4 arestado sa pag-iinuman sa pampublikong lugar sa San Andres Bukid sa Maynila

71

Kalaboso ang 4 na lalaki matapos mahuling nag-iinuman sa may bahagi ng Alabastro Street, San Andres Bukid sa Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Cecillo Nazario, Rodel Recuenco, Antonio Camballa at Roland Cuevas.


Nabatid na nakatanggao ng tawag ang Sta. Ana Police Station-6 hinggil sa pag-iinuman ng apat kung saan hindi daw sila masita-sita ng mga tanod kahit pa pinapa-iral ang curfew at Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil na din sa banta ng COVID-19.

Agad na nagtungo ang mga pulis saka pinalibutan ang lugar kaya at hindi na nakaporma pa ang 4 na plano pa sanang tumakbo.

Aminado ang mga nadakip na umiinom sila ng alak dahil sa naiinip na sa loob ng kanilang bahay.

Facebook Comments