1 raliyista arestado; 21 pulis sugatan sa naganap na rally may kaugnayan sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Arestado ang isang raliyista habang dalawamput isang pulis ang sugatan matapos magkagulo kahapon ang mga raliyista at mga pulis dahil sa pagpupumilit ng mga raliyistang makalapit sa US Embassy kahapon.

Ito ang iniulat ni Supt Ronald Hipolito, joint task group public order head .

Aniya naunang nanakit ang mga raliyista sa mga pulis sa nangyaring gulo sa Plaza Salamanca Street Taft Avenue Ermita Maynila kahapon.


Pinagbabato raw ng mga raliyista ang mga pulis, dahil dito ay gumawa ng paraan ang mga pulis para hindi na marami pa ang masaktan sa kanila.

Naagaw pa aniya ng mga raliyista ang mga batuta at shield ng ilang pulis dahilan para masugatan ang mga pulis na nakuhaan ng kanilang proteksyon.

Sa ngayon mahigpit ang paalala ng pamunuan ng PNP sa kanilang mga pulis na kabilang sa civil disturbance management unit ( CDM) na palaging pairalin ang maximum tolerance

Facebook Comments