1 residente ng Cainta Rizal, nag-donate ng 100 libong piso huwag lang i-auction ang mga sapatos ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto

Nagpadala ng Php 100,000.00 ang  isang residente ng Greenland Cainta Rizal at nakiusap kay Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na kung maaari ay  huwag  na raw  i-auction ang mga sapatos ng alkalde dahil isa umano itong masamang pangitain.

Pero nagpaabot ng pasalamat si Mayor Nieto sa nagbigay ng ganoong kalaking halaga ng pera pero nakapagbitiw na raw kasi siya  ng salita na sa hanggang sa huling araw ng quarantine, ay 3 pares ng sapatos  isang araw ang kanyang i-auction.

Nainiwala ang alkalde na marahil  naman aniya ang  intensyon na lang na gamitin ito mabuti sa kanyang mga nasasakupan  sa inaakala niyang  mabuti ang magiging dahilan kung bakit walang pwedeng masama na magbunga sa sinserong kanyang  hangarin.


Paliwanag ni Nieto na ang Php 100,000.00 na donasyon sa kanya ay  ibibili ko ng alkalde  ng mga gatas ng bata dahil paubos na ang supply sa kanyang opisina pero ang humihingi ng tulong sa kanyang tanggapan ay hindi maubos-ubos.

Nagpapasalamat ang alkalde sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya at patuloy na nagbibigay ng donasyon in cash at in kind sa kanyang tanggapan.

Facebook Comments