DMW Sec. Hans Leo Cacdac, nanumpa na sa pwesto

Nanumpa na sa pwesto ang bagong kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW) na si Hans Leo Cacdac.

Ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO) ang oathtaking sa Malacañang ni Cacdac sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nabatid na matapos ang pitong buwang panunungkulan bilang officer-in-charge, ay opisyal nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si Cacdac bilang kalihim ng DMW.


Si Cacdac ay nagsilbi ring Undersecretary ng DMW at Department of Labor and Employment (DOLE).

Naging Associate Lawyer at Urban Poor Unit Coordinator din siya ng Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal (SALIGAN) sa pribadong sektor.

Facebook Comments