Kinumpirma ng Department of Health na 1 sa 10 pilipinong adolescent ay obese, habang 3 sa 10 adult na pinoy ay sobra sa timbang.
Ayon kay Dr. Rosalie Paje, Chief ng DOH- Bureau of Lifestyle Related Diseases Division, karamihan sa mga overweight ay mula sa highly urbanized cities.
Sa walong lungsod na lamang aniya sa Metro Manila, ang obesity ang nangungunang nutrition issue.
Ayon pa kay Dr. Paje, ang obesity ay itinuturing na ngayon na progressive chronic disease tulad ng diabetes at high blood pressure.
Inihayag naman ni ginoong Cihan Serdar Kizilcik, Vice President at General Manager ng Novo Nordisk Philippines na puspusan ang kanilang pakikipagtulungan sa Department of Health para matuldukan ang problema sa obesity sa Pilipinas.
Batay naman sa report ng World Health Organization sa taong 2016, 2.8-million ang namamatay taon-taon sa buong mundo dahil sa obesity.
Sa taong 2025, pinangangambahan na umabot sa 2.7-billion adults ang dumanas ng Obesity.