1 sa mga wanted person ng Marikina City, arestado

39

Hindi na pumalag pa ang isang construction worker matapos isagawa ang manhunt operation ng mga otoridad laban sa kanya.

Nakilala ang suspek na si Joseph Rubia Samotos alyas Nognog, 27-anyos at residente ng No. 198 Upper Balite St., Barangay Fortune, Marikina City.


Inihain ang warrant of arrest ng Marikina Pulis laban sa suspek pasado alas-dose kahapon ng tangahali matapos matunton ang kinaroroonan nito.

Si Judge James T Sy ng Marikina Trial Court Branch 75 ang nag issue ng nasabing warrant of arrest sa kasong Less Serious Physical Injuries.

Nakakulong na ang suspek sa Male Custodial Facility ng Marikina City Police Station upang harapin ang kasong inihain laban sa kanya.

Facebook Comments