1 Senador, umapela sa tourism Congress of the Philippines na tugunan ang mga kakulangan sa COVID-19 quarantine centers

Nakikiusap si Committee on Tourism Chairperson Senator Nancy Binay sa mga miyembro ng Tourism Congress of the Philippines (TCP) na magdonate ng mga kama, unan, kumot, sabon, at iba pang kagamitan para sa mga COVID-19 quarantine centers.

Ang TCP ay private sector counterpart ng gobyerno na nilikha sa ilalim ng Tourism Act of 2009 at kinakatawan nito ang mga stakeholders sa sektor ng turismo tulad ng mga hotels, resorts, theme parks, at mga travel and tour operators.

Tinukoy ni binay na nakapaloob sa quarantine guidelines ng pamahalaan na lahat ng local government units ay dapat magtayo ng mga COVID-19 isolation units.


Paliwanag ni Binay, nasa kapabilidad ng mga tourism establishments ang pagtulong para maging maayos ang mga quarantine centers ng bawat LGUs.

Naniniwala si binay na marami sa mga partners natin sa Tourism Congress ay buong pusong tutugon sa kanyang panawagan para tumulong at gawin ang makakaya para malagpasan natin ang krisis na hatid ng COVID-19.

Facebook Comments