Isang staff ni Senator Pia Cayetano ang nagpositibo sa COVID-19 test.
Ayon kay Senate Secretary Atty. Myra Marie Villarica, ang nabanggit na staff ay walang recent travel history at ipinapalagay na nakuha nya ang infection mula sa taong malapit sa kanyang pamilya.
Huling itong pumasok sa senado noong March 11 pero hindi nagpunta sa Plenary Hall.
Matapos ang March 11 na huling araw ng session ay saka pa lamang sya nakaramdam ng sintomas ng COVID-19.
Ang nabanggit na COVID patient at sinuman na nagkaroon ng direct contact sa kanya ay hindi rin pumasok noong March 23, ang araw na nagsagawa ng Special Session ang Senado.
Tiniyak ni Atty. Villarica na ibinibigay ng Senado ang lahat ng tulong sa nabanggit na staff.
Ginagawa din ng senate medical team ang nararapat na protocols, tulad ng contact tracing, pagpapatupad ng quarantine at pagtulong na maipatest ang iba pang empleyado ng senado kung kakailanganin.