Dating pulis at 2 pa patay sa buy-bust operation sa Polomolok, South Cotabato

205

Namatay sa ikinasang buy-bust operation ang isang dating pulis at dalawang iba pa sa Polomolok South Cotabato.

Kinilala ang mga nasawing suspek na sina Joel Labuen, 38 anyos dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) at mga kasamang sina Gary Montero, 37 anyos at isang alyas “Kokoy”.


Ayon kay Police Lieutenant Colonel Lino Capellan tagapagsalita ng PNP Region 12 nagpanggap ng buyer ng droga ang isa sa mga pulis.

Pero nakatunog ang mga drug suspek na nakikipagtransaksyon sila sa mga pulis kaya agad na binunot ng mga suspek ang kanilang mga baril ipinutok.

Pero dahil nakahanda ang operating team kaya nagkaroon ng putukan bago napatay ng mga pulis ang tatlong drug suspek.

Sinubukan pang isugod sa Howard Hubbard Memorial Hospital Polomolok, South Cotabato ang mga suspek pero ideneklarang dead on arrival.

Nakuha sa mga nasawing drug suspek ang ilang plastic sachet ng shabu, isang 500 piso bill na ginamit sa buy bust money, isang 45 kalibre baril mga drug paraphernalia at homemade caliber 38 revolver.


Facebook Comments