1 Taong Gulang na Bata, Patay Matapos Malunod sa Drum ng Tubig!

1043

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang (1) taong gulang na bata matapos malunod sa drum ng tubig (orocan) pasado alas 8:00 kaninang umaga sa Brgy. Sta Cruz, Benito Soliven, Isabela.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo sa bukid ang nanay ng biktima na si Ginang Ailene Bueno, 20 taong gulang at iniwan ang biktima sa isa pa nitong anak na babae na anim na taong gulang.


Habang nasa loob ng CR ang biktima para maligo ay lumabas ang ate nito upang mag-igib ng tubig subalit nang bumalik ang kapatid ay nadatnan na lamang ang paslit na nasa loob na ng drum na may tubig.

Agad namang humingi ng saklolo sa kapit bahay ang nakatatandang kapatid kaya’t naisugod ang biktima sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival ng umasikasong Doktor.

Facebook Comments