Negosyante, Nakaligtas ng Pagbabarilin ng 8 Beses ng kanyang Kaanak

Cauayan City, Isabela- Pinagbabaril ng makailang beses ang isang negosyante ng lasing nitong kaanak sa loob mismo ng kanyang bahay bandang 10:40 kagabi sa Brgy. Centro West, Ballesteros, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Clarita Umoso, 67-anyos, biyuda habang nakilala ang suspek na kanyang kaanak na si Gerald Lazo, 37-anyos, walang asawa, negosyante at kapwa residente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni PLT. Waltson Malayao, Deputy COP, dala ng kalasingan ang nag-udyok sa suspek at walang habas na barilin ng paulit-ulit ang biktima na nagtamo ng tama ng baril sa kanyang kanang balikat.


Nabatid na umiinom ng alak ang suspek sa bahay ng nagngangalang Vilmer Tindoc at ilang saglit pa ay walang habang na pinagbabaril ang biktima at nasaksihan ng dalawang binata.

Batay umano sa salaysay ng mga saksi, pinagmumura ng suspek ang biktima at sinabihang walang kamakamag-anak.

Agad na naaresto ang suspek makaraang bumalik sa lugar kung saan ito umiinom.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang walong (8) piraso ng basyo ng bala ng kalibre 9MM na baril at 2 live ammunitions sa kaparehong kalibre.

Nagpapagaling na ngayon ang biktima na nasa pagamutan habang mahaharap sa kasong Frustrated Murder ang suspek.

Facebook Comments