1 year old na bata, ginahasa sa Makati, patay

226

Natuklasang wala nang buhay ang isang taong gulang na bata matapos umanong gahasain.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakita ng witness na si Genelyn Antido ang biktima na kinilalang si John Angelo Lopez, na nakahandusay at wala nang buhay sa ika-pitong palapag ng abandonadong gusali sa Yakal St., Brgy. San Antonio, Makati City kaninang madaling araw.


Salaysay ng saksi, huli nilang nakita ang biktima kasama ang suspek na si Gerald Reparip, 27 years old at isang construction worker noong isang gabi.

Kaninang madaling araw, nakita na lamang nila ang biktima na nakahandusay at mayroong malaking sugat sa pwet.

Dito na nila dinala ang bata sa Sta. Ana Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Agad nagkasa ng occular inspection ang mga otoridad sa nasabing lugar at dito nakita ang pampers ng biktima na duguan.

Nang isailalim sa interogasyon ang suspek sinabi nitong sa sobrang kalasingan hindi niya alam ang kaniyang nagawa.

Nang ineksamin ang mga labi ng biktima, natuklasan na ang anus o pwet ng bata ay deteriorated at mayroong sperm cell sa loob.

Nakitaan din ng hematoma ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima.

Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang suspek at tuloy-tuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Facebook Comments

From Advertisers