Babaeng Nang-abuso ng Bata, Arestado!

48

San Mateo, Isabela – Arestado ang isang matandang babae dahil sa kasong Child Abuse ganap na alas 3:00 kahapon sa Brgy. San Marcos, San Mateo, Isabela.


Batay sa impormasyong nakalap ng 98.5 iFM Cauayan sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) kinilala ang akusado na si Inocencia Quitola, 50 anyos, may asawa at residente ng Purok Dos ng naturang lugar.

Nadakip ng PNP San Mateo ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Raul V. Babaran ng RTC Banch 20 – Cauayan City na may petsang Hulyo 8, 2019.

Pansamantalang makakalaya si Ginang Quitola kung makakapaglagak ito ng nagkakahalagang P80,000.00 pesos.

Sa ngayon ang akusado ay nasa kamay na ng kapulisan ng San Mateo para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments