10 araw na DAGIT-PA joint military exercise, natapos na

Nagtapos na ngayong araw ang sampung araw na Dagat Langit Lupa (DAGIT-PA) joint military exercise.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Gilbert Gapay, sa pamamagitan ng DAGIT-PA exercise nakuha ng AFP ang kanilang target na mas mapaangat pa ang kanilang interoperability at ang sabay-sabay na joint military operations.

Nakatulong aniyang ito sa AFP para mas maging handa at mas maging mabilis sa pagresponde.


Ang joint military exercise na ito ay binubuo ng mga sundalo mula sa Army, Air Force, Navy, Marines at Special Forces, kabilang pa ang reservists.

Nagsagawa sila ng apat na major events sa sampung araw na exercise kabilang ang cyber defense exercise na ginawa sa Camp Aguinaldo, amphibious operations at island defense sa Zambales at combined arms live fire sa Tarlac.

Tiniyak ni Gapay na magpapatuloy ang AFP sa pagsasagawa ng mga joint military exercise katulad ng DAGIT-PA na malaking tulong para mas magampanan ang misyon ng mga sundalo.

Facebook Comments