NBI, kinumpirmang impormante nila ang biktima ng pananambang kanina sa Quezon City

187

Naglabas ng statement ang National Bureau of Investigation (NBI) na nagkukumpirma na impormante nila si Demsen Tan.

Si Tan ay tinambangan kaninang umaga sa kahabaan ng Holy Spirit Drive Don Antonio, Brgy. Holy Spirit sa Quezon City habang nagmamaneho ng Ford Everest na may plate number na DAG 7092.


Kinumpirma ng NBI na maraming impormasyon na isinawalat sa kanila si Tan sa anti-illegal drugs campaign ng NBI.

Si Tan ay nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang kaliwang siko at hindi naman ito napuruhan sa ambush.

Agad naman siyang naisugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Facebook Comments