10 babaeng patungong Singapore, in-offload ng BI

Sampung mga pasaherong babae ang in-offload ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang naturang mga pasahero ay may edad na mahigit 20 hanggang mahigit 30-anyos.

Iginiit ng BI na biktima ng illegal recruiters ang sampung pasahero kaya hindi nila ito pinayagan na makalabas ng bansa patungo ng Singapore.


Anila, ni-recruit ang mga ito para magtrabaho sa Singapore bilang sex workers.

Ang mga biktima ay nasa pangangalaga na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa pagsasampa ng kaso laban sa kanilang recruiters.

Facebook Comments