PBBM, dapat na magpakita na ng galit sa ikalawang taong termino nito sa pwesto – senador

Humirit si Senator Nancy Binay kay Pangulong Bongbong Marcos, na magpakita na ng galit sa ikalawang taon nito sa termino.

Ayon kay Binay, marami nang nagawa si Pangulong Marcos sa unang taon nito sa posisyon para matugunan ang malaking problema na minana nito.

Pero ayon kay Binay, sana raw ay magpakita na ng galit ang pangulo sa ikalawang taon sa kapangyarihan upang matakot naman ang mga pasaway at mga gumagawa ng katiwalian.


Aniya, sa ngayon kasi ay mabait pa ang pangulo.

Matatandaang kahit ang kapatid ng presidente na si Senator Imee Marcos ay nanawagan na rin sa pangulo na magalit na ito lalo na sa mga sangkot sa smuggling ng agricultural products.

Kasabay nito ay hangad naman ni Senator Binay na makumpleto na ang mga miyembro ng gabinete ng administrasyon sa ikalawang taon ng pangulo.

Facebook Comments